Miss Universe 1993

Ang Miss Universe 1993, ay ang ika-42 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Auditorio Nacional sa Lungsod ng Mehiko, Mehiko noong 21 Mayo 1993. Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Michelle McLean ng Namibya si Dayanara Torres ng Porto Riko bilang Miss Universe 1993. Ito ang ikatlong tagumpay ng Porto Riko sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Paula Andrea Betancur ng Kolombya, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Milka Chulina ng Beneswela. Mga kandidata mula sa 79 na bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Dick Clark ang kompetisyon, samantalang sina Miss Universe 1987 Cecilia Bolocco at Miss Universe 1989 Angela Visser ang nagbigay ng komentaryo sa buong kompetisyon.


Developed by StudentB